Thursday, September 25, 2008

I'm alone

Last wed uminom nnman ako kasama ang mga bago kung kilala sa bago kung inaaplayan n work. Medyo nag dadalawang isip n nga ko kung itutuloy ko pa ung work n un, kac adik n nga ko ngayon sa inom ang mga makakasama ko pa don ay araw2 akong gusto kasama sa inuman.

Minsan nung nag inuman kami at umuwi ako ng madaling araw basang basa ng ulan at giniginaw mag isa at nakakaramdan n din ng lungkot habang nag lalakad mag isa, sumakay ako ng bus pauwi sa amin, habang umaandar ang bus ay nka tulog ako, nang magising ako ay ang layo ko na sa dapat kung babaan. Di ko alam ang sakayan pauwi, mejo malayo n din ang lugar na un sa amin, nag tanong2 ako kung saan ako sasakay pauwi sa amin. habang nag lalakad ako ay nakukunsensya ako sa mga pinag gagagawa ko, parang wala n ngang magandang patutunguhan ang buhay ko...

Sana di n ko nag iisa, sana may tao kung laging malalapitan tuwing nalulungkot ako at nasasabihan ng mga problema ko, sana may mga tunay akong kaibigan n nalalapitan tuwing may problema ko, hindi ung kasama mo lng sila tuwing masaya ka pero pag may problema ka ay wala k ng makita kahit isa sakanila.

Friday, September 19, 2008

Wala na...

Ang bilis ko talagas mag ka gusto sa isang tao khit iwasan ko pa... Pero wala n ung taong gusto ko, alam ko nman n iba lng gusto nia sakin at di ako mamahalin nung taong un... Pero ang hirap nia makalimutan, lalo na at naging masaya ko kasama...

Kala ko sya na mag papasaya sakin ngaung wala n kami nung ex kung minahal, pero nag kamali lng ako, isa din pla sya mag papalungkot sa akin.

Tuesday, September 16, 2008

Maling akala.

Medyo matagal n din mula nung nag brake kami ng taong mahal ko. Pinalaya ko na din sya at wala n din akong pakialam sa mga ginagawa nya.

Nung nag brake kami ng ex ko, kinailangan kung mang-gamit ng tao para maging panakip butas sa sakit na ginawa ng ex ko. meron isang tao n may gusto sa akin, ginamit ko sya at ginawa kung syota kahit na di ko nman mahal at kahit na alam kung masasaktan ung taong un pag nalaman nyang panakip butas lng sya. Pakiramdam ko kac mababawasan ang sakit pag nkipag relasyon agad ako sa iba. Pero hindi naman...

Lagi pa din akung umaasa na may dadating na tao n mag mamahal sakin at mamahalin ko din gaya ng ex ko. Minsan, napunta ko sa isang mall at kumain ng fried noodles sa fat monk, tpos naupo ako sa isang bench sa mall, may nakita akung isang cute na guy, di n sya bata pero cute sya para sa akin at nag tuturo sya ng nursing. Nakilala ko ang taong un at nka kwentuhan, mag kalapit lng pala kami ng tirahan, at nag sabay pa kami umuwi non. Naging masaya ako ka kwentuhan ung guy n un, na kwento nya rin na may anak na sya... tpos nung pag uwi nya ay nag txt pa sya na (kita tau ulit), tpos non nag txt pa ulit sya ng (ok ka. sana tau na), wala kung kahit anung naramdam n khit ano sa cnabi nya, pumasok agad sa isip ko ex ko na parehas lng to non, pag nahulog loob ko ay sasaktan din ulit ako.

kilala ko pa naman sarili ko, mabilis mahulog ang loob ko sa taong malambing, kya mejo kinabahan n ko sa taong to. Tpos nag txt ulit ang taong to, ang sabi nya (kain kna rin ha. Palit agad at basa ka. love u na eh. bilis noh.) tpos nung kina umagahan nag txt sya ng (gud am. ingat.), mejo natutuwa naman ako na may taong nag ttxt at nkakaalala, pero nkakaramdam pa din ako ng takot na ang taong mabait at maganda ang pinapakita ay sya pang makaka-sakit sa akin. Dahil ganon ang nangyari dati.

Tpos mga sumunod na araw ay nag ttxt pa din sya, ang sabi nia (asan ka), tpos nag txt ulit sya at ang sabi nia (selos ako), mejo iba n pakiramdam ko sa taong to, pakiramdam ko ay may gusto nga sya sakin. tpos may mga sumunod pang txt sya na mga love u.

Pero pag nag ku-kwento ang taong to, sya ung tipong di dapat minamahal, kac halata naman na kya lang sya malambing minsan sa txt ay may gusto lng syang mangyari.

Tpos nag kita ulit kami nitong guy na to, sobrang naging masaya ulit akung ka kwentuhan sya, at ang bait nya talaga kausap ang kumportable pag kausap ko sya. Nakakaramdan n ko ng saya pag kausap sya at kasama. Nung huli kaming nag kita, mejo nahulog n nga talaga loob ko sa taong un. Tinititigan ko pa mukha nia, kac bka bigla syang mawala at di ko na makita... May gusto na nga tlga ko sa taong un... bilis tlga mahulog ng loob ko kahit iniiwasan ko pa...

After nung pag kikitang un, mejo ok pa syang mag txt, nung sumunod na araw, mejo di na sya nag ttxt... Di nga ko nka tulog sa kakaisip kung bkit ganon... Halos buong gabi wala talaga kung tulog non... Nag iisip ako kung anung maling nagawa ko... tinatanong ko sya pero walang reply. nkakalungkot na biglaan ung pag babago nya... Kung kailan pa naman na parang mahal ko n tong taong to saka pa sya mawawala...

Tinatanong ko sya sa txt kung bkit di na sya txt, pero alang sagot. Sabihin nya lang sana kung ayaw n nya ko mka txt ay titigil n tlaga ko sa kakatxt sa kanya at sagutin nya lang sana mga tanong ko na gumugulo sa isip ko ay di n ko mag ttxt sa kanya.

Nung kina hapunan ay tnxt ko sya, nag reply naman. ang sabi nya (la load. txt me mya. pasa lang ito ng friend ko. mag load me pag uwi. don't panic!). tpos tnxt txt ko pa sya non at sa tagal ay mukhang nka uwi na sya pero walang txt...

Mejo nkaka lungkot, iniwasan ko ng wag mahulog loob sa sa taong ganito, pero nag ka gusto pa din ako... Pero alam ko nman na di lang sya ang tao sa mundo at alam ko din n dadating din ung taong mag mamahal sakin at mag papasaya sa akin.

Friday, September 12, 2008

inuman nanaman!


ako, tin at jef

Last friday ng gabi kumain kami sa robinson gal ng friend kung si tin, habang kumakain kami nag ka yayaan uminom sa haus ng friend kung si jef, after namin kumain ay dumeretso na kami sa haus ng friend kung si jef pra uminon.

Pag dating namin sa haus ng friend kung si jef nag pabili agad ng dalawang malaking bote ng redhoure, habang sa kalagitnaan kami ng inuman nag paalam n ang kasama ko na uuwi na, naiwan n lng ako mag isa sa haus ng friend kung si jef kasama ang mga kasamahan nia sa appartment, di pa nagtatagal mag paalam n friend ko ay umayat na sa kwarto ang kasaman ng friend kung si jef sa kwarto nila, naiwan n lng kaming dalawa ni jef sa sala umiinom.hehe.. sobrang tagal namin nag inuman, bumili pa kami ng matador pag ka tapos ng matador ay dalawang malaking redhourse ulit. enjoy akong kainuman sya kac crush ko.hehe..

Parehas na kaming lasing ni jef, 2:30am n kami natapos uminom ni jef. pag tapos namin uminom sa haus nila ay niyaya naman nia ko lumabas, shempre sama agad ako, nag taxi kami papuntang shaw yata un, kung di ako nag kakamali cuba yata name nung bar na pinuntahan nmin don, pag dating namin don ay nag inuman nnman kami, dami nyang friend don, mga taga jru at feu. Paga tpos namin uminom sa bar ay umuwi na kami. kung di ako nag kakamali 4:30am n ko nka uwi at sobrang lasing.

8:30am ay gumising naman ako para mag handa papuntang ortigas, mag kikita-kita kac kami don kasama ko at mga friend ko pra pumunta ulit kina jef para mag inuman ulit.hehe!..

Wednesday, September 10, 2008

gimik nnman sa sat.hehe!..



Hay!.. sobrang na miss ko n mga naging friend ko sa p2o, buti n lng ay na maintian nmin ang aming friendship. 1:30am biglang may nag txt sakin, di nag register ang no. tnxt ko at tinanong ko kung cno sya, nag reply at at nag pakilala.hehe.. Natuwa naman ako, ang crush ko pla ang nag txt.

Na kwento ko sa kanya na madalas kami sa bahay ng friend ko na friend din nia, nasabi ko sa kanya n misan ay don kami natutulog. Tapos sabi nia sama daw sya.hehe!.. natuwa naman ako n gusto nia sama samin, kya tntxt ko n mga friends nmin, pra this coming sat ay punta kami sa haus ng friend ko pra inuman at fudtrip. Sana madami ang sumama para mas masaya.

Tuesday, September 2, 2008

Babybear


Babybear

Last monday nag punta ko sa hauz ng friend ko para mag inuman kasama mga k barkada ko, 3am n ko ng madaling araw nka uwi at sobrang pagod...

Pag dating ko sa bahay namin ay kumain ako saglit at humiga na sa kama, pag higa ko sa kama naalala ko agad ang mahal kung kaibigan. Tnext ko sya, sinabi ko sa text "give me one which comes into ur mind wen u hear my name" ang sagot nia kwengkwang.hehe... mejo nainis nga ko, kala ko sasabihin nia mabait ako.hehe.. pero sabi nia kya kwengkwang kac joker daw ako... Patawa kac ko lagi pag kasama ko sya, minsan nga ay ang korni ko n nga mapatawa ko lang sya, gusto ko kac lagi sya masaya... Tagal n din namin di nag kikita ng mahal kung kaibigan n un, at sa pag ttxt nmin, nsabi nia sa sakin n nxt month ay aalis n sya... Naiyak ako nung sinabi nyang next month ay aalis ni sya papuntang ibang bansa, malayo ang pupuntahan nia at sobrang tagal bago sya mka balik ng pinas... Sobra tlaga ko nalungkot sa balita nyang un...

Kala ko di n ulit ako makakaramdam ng sobrang lungkot, sobra kung nalungkot nung iniwan ako ng ex kung mahal ko, at ngaun naman ay dahil aalis na ang mahal kung kaibigan...

Sana maka pag kita pa kami bago sya umalis ng bansa, sobrang miss ko n din kac sya, ang hirap tlaga pag ung taong naging parte n ng buhay mo ay biglang maawala...

Sana pag punta nya ibang bansa ay mka ipon sya ng madaming pera, para bumalik agad sya ng pinas at sana wag syang malungkot pag nka alis n sya ng bansa sana din ay di sya mag kasakit pag nsa ibang bansa na sya... Sana maging maayos ang lahat pag nasa ibang bnsa n sya, maging maayos sana ang buhay nia don...