Wednesday, October 29, 2008

Tatlong taong nakaraan

Lagi n lng di mawala sa isip ko kung bkit ung taong minamahal ko ay lagi n lng nawawala sakin, meron ngang may gusto sakin pero di ko nman kayang mahalin.

Tatlong tao ang laging di mawala sa isip ko.

Ang unang taong minahal ko. Si Rhea, na laging tumatawag sakin kahit nsa abroad. dati, pag nag ring ang fon ko ng hating gabi alam ko ng si rhea ang tumatawag at pag sinagot ko ang tawag nia ay malambing n boses ang madidinig ko, puro pang lalambing ang lumalabas sa kanyang bibig...

Ang ikalawang taong minihal ko. Si C***, na mabaiit simula ng makilala ko ay sobrang ganda n ng pinakita nya sakin, sobrang lambing sa txt kahit pag kasama ko ay sobrang ganda pa din ng pinakikita sakin, kahit n madalas ay tulugan ako habang nag lalaro ako ng pokemon. Masarap ka kwentuhan at kaharutan.

Ang pangatlong taong minahal ko. D**D***, sobrang ganda ng pinakita sa una, ang saya kasama sobrang ang kumporble tuwing kasama ko sya. hangang sa nag tagal ay lagi ko n syang hinahanap hanap. pero biglang mang iiwan lng pla...

Sabi ko sa sarili ko pag katapos kung masaktan dun sa taong pangangalawang taong minahal ko ay di n ko mag mamahal ulit. pero naulit ulit at nag mahal ako at nasaktan ulit.

Ngaun sisikapin kung di n muling mag ka gusto kahit kanino at di n muling maniniwala sa mga sinasabi nilang magaganda. Sana ang pangatlong beses n nasaktan sa mga minahal ko ay sapat n para di n muling ma ulit ang mga masasakit n nkaraan.

Thursday, October 16, 2008

.......................

Last thursday kasama ko ang friend n nag hatid sa isa ko pang friend na babae, nung pag hatid nmin sa isa kung friend na babae at pauwi n kami ay nag yaya sya na mag beerhouse daw kami, shempre oo naman agad ako kac ayaw ko pa umuwi ng bahay dahil badtrip lng pag nsa bahay, puro problema lng naiisip ko pag nsa bahay ako... Laging nalulungkot ako sa mga nangyayari sa buhay ko, nararamdaman kung parang walang derekyong ang buhay ko, lahat ng taong minamahal ko ay iniiwan ako at ngaun ang taong mahal na mahal ko na din ay nararamdaman kung iniiwasan n din ako.

Nung araw ng thurday ay nag paka lasing talaga kami ng friend ko, hangang umuwi ako n lasing na lasing at sobrang nahihilo na. Gaya ng dati, nka tulog nanaman ako sa bus, buti n lng at ginising ako nung kundoktor ng bus nung malapit n ko sa babaan ko.

Pag dating ko sa bahay nmin ay galit na galit ang tatay ko at umaga n ko umuwi, lahat ng sinasabi nia ay di ko pinansin at dumeretso lng ako sa kwarto ko. Di nman din kac kami mag k sundo ng tatay ko, kung pwede nga lng mag palit ng tatay ay pinlitan ko n sya. Minsan pag may nakikilala kung taong mejo may edad n at mbait sakin, nsasabi ko sa sarili ko sana sana sya n lng ang naging tatay ko.

Nung nsa kwarto n ko ay di nman ako agad mka tulog, laging nag lalaro a isip ko ung taong minahal ko kaagad kahit n sandali ko lng sya nkilala... napakasa saya kac nya kasama, lalo n pag nag lalakad kami sa mall... sobrang bait nya tlaga, pero sa txt parang ang sama nia sakin. pag tntxt ko sya ay di sya nag rrply at di nia tlga ko pinapansin sa txt... pero lagi ko pa din sya tntxt kahit n nag mumukha n kung tanga sa ginagawa nyang di pamamansin... Di pa nag tatagal ng mag ka kilala kami, pero nag ka gusto agad ako sa lalaking un. Lagi ko syang hinahanap hanap, kahit sana makita ko lng at makasama mag lakad lagi sa mall ng saglit ay masaya n ako... Pero nararamdaman kung iniiwasan n nya ako...

Sunday, October 5, 2008

Sana matapos na.


Aalis n sya, gusto ko p sana sya makita, pero nararamdaman kung ayaw nman nya kung makita. Di ko n sya mahal, pero lagi pa din akong nag aalala sa kanya, at madalas ay nsa isip ko pa din sya. kahit wala n sya sa buhay ko ay gusto ko pa rin ay lagi syang masaya. Sana lahat ng pangarap nya ay matupad, at makasama na nya ang taong mag mamahal sa kaya na dati ay pinangarap kung sana ay ako na un, pero ngaun ay alam ko ng hindi ako ang taong para sa kanya.

Sana biglang dumating n din ang tamang tao para sa akin, yung laging nsa tabi ko at nakikinig sa mga sinasabi ko, ung taong handang tangapin kung sino ako... Sana ay di n lng nawala sa buhay ko si Rhea, cguro kasal n kami ngaun kung hindi ako naguluhan sa pag katao ko at nag mahal ng iba... Pero parang ang imposible ng mag kita pa kami at mag kabalikan...

Sana matapos n din ang pakiramdam ko na parang lagi n lng akong nag iisa at nag iintay ng taong makakaintindi sa akin at lagi kung makakasama sa tuwing nalulungkot ako sana matapos n ang pag iintay ko na dumating ang taong mag mamahal sakin, sana pag gising ko ay makilala ko na ang tamang tao para sa akin, sana din ay maramdaman ko kung cno ang mga tunay na kaibigan na laging dadamanyan ako sa tuwing malungkot ako...